Saturday, 22 April 2017

UNEXPECTED | March 2017 Civil Service Result

In the wee hours of April 22, about 1 AM, me and partner were lying in bed waiting to fall asleep. We were both busy on our phone checking other people's lives on Facebook. Then I suddenly came across a friend's post about him passing the Civil Service Exam last March 2017. I immediately jolted out of bed and secretly checked Google for Civil Service result 2017, clicked the first result, and looked up my name under Region 5 passers. Ayun wala. Sad. Takte!!
Narealized ko, I took the exam here in Manila. Nabuhayan ulit ako. Naisip ko baka nasa NCR list of passers ang pangalan ko. So I scrolled down the list of NCR passers very slowly, scared that my name won't be on the list as well. The next thing I know, I was jumping up and down on our bed! I passed!!! Thank You Lord! Imagine how hard it was for me to get into sleep after knowing the results. Eeeeee. 
It was six years ago since I took my first attempt to pass the National examination. I was a fresh graduate then. Nagreview pa ako para makapasa talaga pero hindi ako pinalad. Medyo madaming beses na rin nagtry ang Ate at Kuya ko at unfortunately, di pa sila pumapasa. Alam ko medyo disappointed si Mama na kahit isa man lang sa amin ay walang nakakapasa. I decided then na lumuwas at makipagsapalaran sa Maynila. LOLs sa makipagsapalaran!

I dunno why it took so long for me to retake the exam after I failed. Kaso narealized ko, I'm not getting any younger. I need a fallback plan just in case gusto ko na umuwi sa probinsya. Syempre ayoko naman magBPO ulit dun kasi mababa ang sahud at night shift pa. 

After getting encouragement from my partner, I decided to try again. Inasikaso ko lahat ng kelangan at nagbayad ng fee. This time though wala ng review-review. Nagpaturo na lang ako kay partner especially sa Math kasi dun ako medyo natatagalan.
Few weeks before the exam, di na ako nagaaral. LOLs. Got so tamad Ate Charo! Sabi ni partner, wag ko na lang daw muna seryosuhin. Just take the exam. Kung di man daw ako pumasa, I'll take the August 2017 more seriously. But NO! Wala ng ganun! Passer na ako!! Sobrang saya ko!! Pero once in a while chinecheck ko yung list baka mawala name ko. Praning?!? LOLs. Minsan iniisip ko pa baka may kapangalan pa ako. Pakshet! Sana wala naman. Ahaha.

I was planning to keep this a secret until Mama's birthday in July pero I can't contain the happiness and excitement. I told Ate and Mama over the phone. I hope I made Mama proud because MYMP. LOLs.

Saturday, 27 August 2016

SIX DEGRESS OF SEPERATION FROM LILIA CUNTAPAY

As a 90's kiddo, I remember her as a bit player in Philippine horror movies and Halloween TV specials.

I admit I don't know her by name until her Cinema One 2011 movie "Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay" where she was the lead actor. I never had the chance to watch it. I did try to look for a copy sa tabi-tabi at sa internet (LOL Nay! Ganun ko lang po talaga kagusto mapanood yung movie niyo!), pero wala akong mahanap.

Ang nakakalungkot lang, pumanaw na si Nay Lilia this August 20, 2016 due to her spinal cord illness. And because of this, to help the family of Nay Lilia, nagkaroon ng Fund Raising film screening ang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay sa Cinema '76 Film Society from August 25 - 28.

Chance ko na to!

So kahapon - August 26 - umalis ako ng maaga sa bahay kasi first come, first basis at walang online reservation. Dumating lang naman ako ng mga 3pm yata. Masyado yata ako maaga kasi pampito ako sa list pero may mas maaga sa akin kaya okay lang. Mga excited!! Haha. After that umalis muna ako para sunduin si partner sa Megamall.

Fast forward to 7:30pm-- tawanan.. tawanan, naluluha ako. Nakaka depress.

Desiring so..so.. bad?

I really really really really loved the movie! Ang OA ba? haha. It was worth the 5 years wait. Sabi nga sa movie, ito ang inaasam-asam ko. Nanggagaling po sa damdamin ko, sa kaibuturan ng puso ko, yung matagal ko ng gustong makamit. Yung maigting na.. gusto kong mapa sa akin. Na hindi ko man hanapin, hindi ko man ipagdasal.. yung darating naman sana sa akin! And it did! Though malungkot ako kasi napanood ko siya kung kailan wala na si Nay Lilia. There was a small wish in my heart na sana andun si Nanay sa room after the film.

Or else.. Pak ap!

As expected from Direk Antoinette Jadaone. Iba ang atake ng movie. Masaya pero may kunting kirot at the end. Ayheytyu Direk! Same thing with the movie That Thing Called Tadhana na si Antoinette din nag direk, same yung naramdaman ko after the film. Masaya na may kunting lungkot. Affected ako Ate Charo. I just also recently learned na si Direk Antoinette din pala nag sulat ng Ekstra ni Vilma Santos na isa din sa paborito ko, masaya din sya na nakakadepress sa ending.

Ang Pinakamasaysayang extra sa Showbiz.. Lilia Cuntapay.

Until now di ako makamove on. The movie part where Nay Lilia was expecting a TV Patrol appearance, pero wala naman, ang pinaka-malungkot na scene para sa akin. Doon ko nakita na bukod sa pananakot niya ay magaling umarte si Nanay. Gusto ko umiyak dun sa room Direk kung alam niyo lang. I guess naman, lahat tayo nagkaroon na ng ganoong moment, na may ine-expect tayo pero sa huli wala. Napahiya tayo. Expectations do hurt. It does.

The "Kevin Bacon" of the Philippines.

Nay Lilia, I'm just so happy na nanalo ka ng Best Actress sa movie mo na "Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay". You deserved the award. It was your time. You'll always be a part of our childhood horror movies. May you rest in Peace po.

Kasama talaga ang paghihintay. Andun po ang sakripisyo mo. Ang buhay hindi para sa taong mainipin, kasama sa pagiging tao ang paghihintay. ~ Lilia Cuntapay.

Watch the official trailer.